Mga Piling Katha ng Lungkot
Sahang ni Megs Empinado
hayaan mong mabuhay ang mga uod balang araw ay mapagmamasdan sila bilang paru-paro.
hindi mapipigilan ang ulan sa pagpatak hayaan mo lang ang pagbuhos titila rin yan, may bahag-hari pang lalabas.
‘wag kang matakot sa anino pagkat sila ang tanda na mayroong liwanag.
‘wag kang mangangambang sumubok o magkamali dahil doon mo matututuhan kung paano ang magtagumpay.
(c) 2006. Megs Empinado
|
Kumusta Na, Aking Mahal? ni W. J. Sonita
Mula nang ako’y lumisan sa piling mo aking sinta; Sinong nasa ‘yong kandungan? Sa kanya ba’y maligaya?
Iyo bang naaalala? Matamis nating nagdaan? Yakap na anong higpit pa… walang humpay na anasan.
Mahimbing ba ang yong tulog? Di ka ba nababalisa? Ikaw ba’y di nahuhulog? Siya ba ay ubod saya?
Pa’no ka niya tinatawag? Pa’no mo siya nilalambing? Dila ay nangagsikawag ako’t siya’y pinaghambing.
Kaydali mong nakalimot! Sa kanya ay nahumaling; Ang puso kong nalulungkot sadya mo pang inalipin.
May sarili ka nang buhay dapat na akong bumangon; Akin nang dapat magamay buhay na wala ka roon.
(c) 2006. W. J. Sonita
|
This entry was posted
on Tuesday, October 10th, 2006 at 2:00 am and is filed under melancholy.
You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed.
You can skip to the end and leave a response. Pinging is currently not allowed.