Litanya ng isang insomniac

May 23rd, 2006 by violentdispersal

Kusang lumalalim
ang gabi kahit walang tagahukay
sinisilip ang
takipsilim ng umagang hindi dumarating
ayaw dapuan ng
antok
ni minsan hindi
kumakatok
sa mga katulad kong
minumulto
ng mga lumipas sa
lahat ng sulok.

Bakit hindi mo
lisanin ang matandain kong alaala?
Bakit ayaw mo ako
ihatid sa pampang ng umaga?
Bakit hindi kita
malimot
dalawang taon na
rin akong binabangungot
ng mga
‘di-makaligtaang nakaraan
mga alaalang walang
libingan
ang iyong mukha at
pangalan
aking mga tula
hindi lang minsan.

Sadya bang ganito
ang mga sinumpang sumpaan?
Ang puso ko ay
malaya ngunit bilanggo sa iyong piitan
Naiisip mo ba ako
sumasagi, natatanto?
Dahil ikaw ay palagi

madalas hinahabi
tinatahi ng aking
isip at puso kong tumitigil
ang iyong bawat
sandali
nakalipas at
pagkukusa
lubos at ganap kong kamalayan
diwa ng tumatakas na pagmamahalan.

Marahil ikaw ay
nahihimbing na
payapa ang piling
walang alintana
walang bagahe
hindi tulad ko
tunay na madami

Ang pinakamasakit
ay hindi mo malaman
na hanggang ngayon
ikaw ang laman ng tumatakas kong ulirat
katinuang hindi
sumasapat
kay hirap mong
lisanin
patiwakal kung
gagawin
ngunit saan kita
dadalhin
saan kita
hahanapin?

Sabi mo, ang
pag-ibig muling kumakatok
Ang sabi ko,
ngayong gabi ang tanging nais ko ay yakap
at haplos ng antok.

030804

 

Ladybug of 2004

May 23rd, 2006 by violentdispersal

I saw you last
night
Walking while
making heads turn
How long has it been?
Since we exchange
empty glances that cut us to bits of puzzle.
I try hard to pick
up the pieces
But you threw me
hard
Now I’m falling
like worn-out confetti in filthy rich Makati.

I hang on your
parties
More miserable than
a wallflower
I envy the waiters
and the parking attendants
People sought their
attention
While I am
desperately wanting a speck of existence.

You ignore me and
sometimes I’m quite happy with it
I’m being sent off
by a deity
Though not perfect
More than mortally
enough.

But often I am
forlorn.

December 2004 Alex Grill

Ang Tinatong Kulisap

Nakita kita kagabi
Naglalakad habang
binabali ang mga leeg ng mga ulong umiikot
Sa pagtingin sa iyo
Gaano na ba katagal
noong huli tayong nagpapalitan ng mga
Blankong sulyapan
na hinihiwa tayo sa mga maliliit na piraso ng palaisipan?
Pinipilit kong
pulutin ang mga piraso
Ngayon ako ay tila
nahuhulog na parang isang bantulot na papel
Sa kahabaan ng
marangyang Makati.

Madalas ako sa iyong mga piging
Ngunit mas madalas masahol pa akong nalulungkot kaysa
sa lungkot.
Pinagseselosan ko ang mga weyter at mga parking boy
Mas hinahanap ng
mga tao ang kanilang atensyon
Samantalang ako
nagpupumilit na makahanap ng malapulbos na pagkilala
Kahit tungo mula sa iyo.

Hindi mo ako
pinapansin at minsan
Masaya na rin ako
Masaya dahil ako ay
tinataboy ng isang diyosa
Bagama’t hindi perpekto
Sapat na sa mundo.

Ngunit kadalasan,
ako ang lungkot.

 

Pedestrian

May 23rd, 2006 by violentdispersal

We pass by each
other
My shadow reluctant
Your silhouette
brave
We were former
“ex-strangers”
Now we are worse
than this mess
Each day
More beautiful you
While mine
Whiffs of nothing
new.

We pass each other
Careful not to bump
each others’ shoulders, elbows
And constraints
Trying hard not to
scatter our
Unsettled
settlements
Unlike our
arguments
Found in every
place, corner of your house.

We pass by each
other
Full-time snobs yet
very pedestrian
But the glances
The concealed
glances
At least there’s
something we still share
Haunt us
Betray us
Tire us
Make us
transparent.

070904

Dinadaanan Natin ang Bawat Isa

Dinadaanan natin
ang bawat isa
Ang anino ko
atubili
Ang aninag mo
matapang
Tayo ay mga dating
‘di magkakilalang estranghero
Ngayon tila mas masahol pa tayo sa gulo na ito
Bawat araw
Lubhang magandang
ikaw
Samantalang ako
Mahihinang ihip ng
walang pagbabago.

Dinadaanan natin
ang bawat isa
Maingat na hindi
natin mabangga ang mga balikat, siko
At pagpipigil ng
bawat isa
Pinagsusumikapang
hindi natin maikalat
Ang ating mga hindi
maayos na pag-aayos
Hindi katulad ng
mga away natin
Matatagpuan sa
bawat sulok at kanto ng iyong bahay.

Dinadaanan natin
ang bawat isa
Suplado’t suplada ngunit para lamang naglalakad sa
kalsada
Ngunit ang mga tingin
Ang mga patagong
sulyapan
Kahit papaano’y may
pinagsasamahan
Pinaghahatian
Minumulto tayo
Pinagtataksilan
tayo
Pinapagod tayo
Madali tayong
nahahalata.  

 

sashaninel

I am…

May 18th, 2006 by violentdispersal

Let’s just say that I’m tired.
I’m tired of all the wrongs and the occasional rights that I have done and will
continue to do. I just want to stop. Halt and rust until time forgets all about
me. I just wanted to end whatever life is breathing, beating in this dung heap
flesh held together by a tattered and worn out soul. How I yearn for a car
crash, an accident that does not want to be rescued, jammed traffic
intersections where I can just lay still, go deaf and oblivious.

Have you been at the edge of the roof? The eternal flaw is
so profound that it is impossible to fix it. You are left with nothing genuine,
nothing true except the feeling of being alone and empty. It is always raining
in my mind. And I am flooding this barrenness in me. The dam I built a long
time ago now stands in ruin, proud no more. The craving of deliverance is
unsatisfied, unfulfilled. Dearth of everything I miss. My seasons are leaving
without any particular reason. My demons I try to exorcise in a ritual of
sincerity and mendaciousness. However, they come back. I know they’ll come
back. They always do. How I wish I could talk to an angel and tell him, tell
her, tell them that I am here, there and nowhere all at the same time.

Sometimes I wish for a sunburn.
Walk indiscriminately in a white shoreline and bask in the radiance that never
was. I wish I could touch the horizon and see what is beyond the fixated stars
that shine best when nearing death. My ever-gazing star. You shine best now.

I wanted to drown together with
you because last night you were the sky and today you are the moon. But you are
not there. Can I ask you where are the fireflies that make your slit eyes glow
like fire in dark caverns where I hide my sorrows? I almost miss your fragile
hands. I can still hear how it makes beautiful music like how a piano makes a
filthy bistro the most beautiful place in this fleeting world with her melody
of black and white keys.

Let’s just say its over. The
start and the end are fast closing on us. Like a faded black and white film,
you have seen the reruns but you still fall for it everytime. You fall into a
thousand pieces. You are scattered like unmindful pieces of glass waiting to
cut and slit some wrist, some vein, some drifting life. You and I are the
shards of my former self.

Apr1012_puerto_galera_088

I am tired. But I am fine.

 

sashaninel may182006

I was Wrong

April 16th, 2006 by violentdispersal

I Was Wrong
Social Distortion

When I was young, I was so full of fear
I hid behind anger, held back the tears
It was me against the world, I was sure that I’d win
But the world fought back, punished me for my sins
I felt so alone, so insecure,
I blamed you instead and made sure I was heard
And they tried to warn me of my evil ways
But I couldn’t hear what they had to say

I was wrong, self destruction’s got me again
I was wrong, I realized now that I was wrong

And I think about my loves, well I’ve had a few
I’m sorry that I hurt them, did I hurt you too?
I took what I wanted, put my heart on the shelf
How can you love when you don’t love yourself?
It was me against the world, I was sure that I’d win
But the world fought back, punished me for my sins
And they tried to warn me of my evil ways
But I couldn’t hear what they had to say

Well I grew up fast, I grew up hard
something was wrong from the very start
I was fighting everybody, I was fighting everything
but the only one that I hurt was me
I got "society’s" blood running down my face,
Somebody help me get outta this place
How could someone’s bad luck last so long?
until I realized that I was wrong

Core

August 17th, 2005 by violentdispersal

Core

                                                                Layne Staley

Self imprisonment
I suppose somewhere
inside me
I yearn for freedom
from
That which holds me
stagnant
Overexaggeration
turns underestimated
Emotion…

Emotion. Why the
urgency to hide and
Slow the flow of that
which could,
And perhaps will,
improve, and
Heal the burning
inside?
I am protecting my
pain
It is mine
And I so badly want
to keep my
Pain to myself
But, in doing so I am
hurting
So many who cross me,
or care for me,
Aching for love and
acceptance,
Only to throw you
down in the latter
Of our shared love
Yet anger and guilt
not shared
Between me and you
You are blamed for
all that is a
Mystery within
myself…burning
Oh, I pray that I
might someday
Throw a blanket over
that angry
Child
If the strength is
found within the
Core of my being
His tears soak my
heart and
Weight it down

I am drowning, and I
am tired,
And so very, very
lonelyEmpty_1
                                          I am.

 

 

Down with Gloria! Down with Capitalism!

June 16th, 2005 by violentdispersal

Sagot sa Krisis ng Pamumuno, RESIGNASYON!
Sagot sa Krisis ng Sistema, REBOLUSYON!

Pahayag ng Workers’ Solidarity Network (WSN)

 Ang mga Mabilis at Nagbabagang Pangyayari
Sa Lipunang Pilipino

 « Bumagsak ang
approval-popularity rating ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo ng -33%– pinakamababa
sa kasaysyan ng lahat ng umupong presidente (ang rating ay naisukat hindi pa
nagaganap ang “Tape Scandal”). Lubhang nagpababa sa kanyang manipis na
popularidad ang hindi masagot na mga isyu ng korapsyon, krisis ng pamumuno,
pasadsad na kabuhayan ng mga mamamayan, barat na pasahod, patuloy na paglipad
ng presyo ng mga pangunahing bilihin, petrolyo, atrasadong pagbubuwis atbp.

« Ang pagputok ng
isyung jueteng na sadyang kintampukan sa pesdestal ng iskandalo angJunk_gma pamilyang
Arroyo at mga kasapangkat nito. Ang pagsasambulat ng mga pahayag ni Sandra Cam
(baglady) ay kagyat na dinawit sa kagimbal-gimbal na korapasyon sina
Congressman Mikey at Iggy Arroyo. Dinawit din ang mga matataas na opisyales ng
PNP kagaya ni dating PNP Regional Police chief Mosqueda.

« Ang paglantad
ng mga kontrobersayl na tapes-CDs at ng misyteryosong dating Deputy NBI
Driector na si Sammy Ong kung saan direktang tinuturo si GMA bilang ang
dakilang tagapag-utos ng malawakang dayaan sa pamamagitan ng paghihilera ng
boto sa

Mindanao

para sa kanyang sariling makiitd na ganansya.

Dahil
dito, ang pinto ng oportunidad at yugto ng pagbagsak ng rehimeng GMA ay lubhang
nabuksan at nagiging realistikong opsyon ng mga manggagawa sa kasalukuyang
kalagayan ng lipunang Pilipino.

Ngunit
bago natin sakyan at i-angkla ang ating mga hanay sa senaryong ito ay maigi na
atin munang suriin at bigyan ng ganap na makauring disposisyon ang mga
pangyayari upang hindi tayo malito kasama ng ating mga kilusan, hindi mahatak
at malansi ng mga reaksyonaryong pwersa mula sa militar, paksyon ng burgesya,
mersenaryong seksyon ng kaliwa at maging mismo ng rehimeng GMA.

 Ang Burges-Kapitalistang Oposisyon

Sa
kasalukuyan ang burges na oposisyon o ang paksyon ng naghaharing uri (seksyon
ng naghaharing uri na hindi nakikinabang sa rehimen ni GMA) ay watak-watak at
hindi konsolidado. Ngunit ang nasabing pangkat ay nagkakaisa sa kanilang kagyat
na panawagan na dapat umalis si GMA sa poder ng kapangyarihan. Kaya’t bagamat
lubhang marami ang mga nasabing dibisyon sa loob ng pangkating ito ay
nagkakaisa sila sa pagpapatalsik kay GMA upang sila ang humalili. Kaya hindi
nakakapagtaka na iba’t ibang taktika ang kanilang ginagamit at nilalatag upang
halinhan si GMA. Nandito ang panawagang impeachment na nangangahulugan ng limitadong
pagpapatalsik kay GMA kapalit si Noli De Castro (papet at tuta ng kaptalistang
Lopez) gamit ang “succesion excuse” ng proseso ng kasalukuyang umiiral na
konstitusyon.

Nandito
rin ang opsyong nilalatag at kinakampanya ni Senador Aquilino Pimentel. Ayon sa
kanya, ang mainam na dapat gawin ay ang madaliang pagbibitiw ni GMA kasama ni
Noli De Castro kasabay na agad na pagpapatawag ng “snap elections” upang kumuha
ng bagog basbas sa pamamagitn ng palasak na eleksyon sa mga mamamayan.

Ano
ang mga kahinaan nito?

Ukol
sa impeachment process.

Una,
ang impeachment na panawagan ng burgis na oposisyon ay sagarang reaksyonaryo at
anti-mamamayan. nililimita lamang nito ang proyektong pagbabago sa antas ng
pagbabago ng mga lider ngunit sadyang tahimik o walang sangkap at mekanismo sa
pagbabago ng lipunan (kapitalismo) na siyang tunay na salarin sa sistematikong
pang-aapi at pagsasamantala sa mga manggagawa at mamamayan.

Pangalawa,
Hindi mga malawak na hanay ng manggagawa ang makikinabang sa simpleng paglilipat
na kapangyarihan na ito mula kay GMA patungo kay Noli De Castro. Mananatiling
anti-manggagawa at anti-mamamayan ang hindi bumagsak na rehimen at sa dulo
maituturing lamang itong pagpapalit ng kadena ng pang-aapi imbes na lubos na
pagbasag sa sinsabing kadena ng panggigipit.

 
Ukol
sa Pimentel Option.

Ang
panawagang “snap elections” ay walang legal at konstitusyunal na batayan. Ang
presidente lamang ng republika o isang diktador ang pwedeng manawagan ng “snap
elections”. Ito ang kulang na rekados sa panawagan ni Pimentel dahil malayo sa
realidad na magpatawag si GMA na isang agarang eleksyon (parang bato na
ipinukol sa sariling ulo) at malabo rin na ito ay magbitiw sa tungkulin.

Isa
pa, kagaya ng panawagang impeachment, ito ay lubhang kapos sa mga lubos na
kinakailangang panlipunang pagbabago (systemic change) ng uring manggagawa
dahil sa limitadong anyo ng pagbabago sa hanay lamang ng mga lider at sa dulo,
ang ganitong mga simplestikong panawagan ay hindi papakinabagan ng aping
mamamayan.

 

Ang Umuusbong Panganib ng Pwersang
Neo-Pasista

Sinabi
natin kanina na sa kasalukuyan ay hati-hati pa ang paksyon ng oposisyong burges
laban sa burges ding rehimen ni GMA. Ngunit ang nasabing paksyon ng naghaharing
uri ay may isang mas mapanganib na seksyon na handang gumamit ng reaksyonaryo
at mapanghating dahas upang pabagsakin ang gobyernong GMA. Ito ang grupo nila
dating Heneral Fortunao Abat katulong sina dating Budget Secretary Buddy
Eniquez, Fidel Ramos, mga retirado (ngunit maimpluwensya) at aktibong heneral
sa AFP.

RamosKagaya
ng iba, nais din nila na pabagsakin ang rehimeng GMA ngunit gamit ang
pamamaraan ng paglulunsad ng isang panibagong kudeta. Ang ihahalili sa gobyerno
ni GMA ay isang neo-pasistang military junta o military-civilian junta (depende
sa ohebtibong kalagayan) na pamumunuan diumano nina Abat, FVR, Buddy Enriquez
atbp. 

 
Bakit
neo-pasista? Ano ang Pasismo?

Ang
Pasismo o “fascism” ay isang yugto sa buhay ng kapitalistang sistema kung saan
ginagamit ng naturang sistema ang ganitong pamamaaraan ng paghahari kung hindi
na kayang mamuno at mamahala ng naghaharing uri sa dating kagawain o kalagayan.
Kadalasang kinatatampukan ito ng isang gobyernong militarisado, pagbubura o
pagbabalewala sa mga pundamental na karapatang pantao at pamumunong despotiko ng
isang diktador na malapot ang ugnayan sa militar. Umuusbong din ito bilang
isang reaksyon sa isang panahon na may oportunidad ng paglakas ang kilusang
progresibo o ang ispontayong pag-aaklas ng manggagawa laban sa lumang sistem ng
pamumuno. 

Ganito
ang karanasan natin noong panahon ng diktadurang Marcos na kinakitaan ng libong
arbitraryong pagpatay at paglabag sa karapatang pantao ng mga lider-unyonista,
aktibista at progresibo. Karanasan din ito ng maraming aping bayan sa buong
mundo kagaya sa bansang Alemanya (Nazism-Hitler) at Italya (Mossulini-fascism).
Pinakatumpak na ehemplo nito sa kasalukuyan ay ang bansang

Burma

na halos dalawang dekada nang pinamumunuan ng isang
anti-mamamayang military junta. Hindi na ito bago. Ang tanging nagbabago lamang
rito ay ang mga grupo at personalidad na nagbebenta ng ganitong landasin.
Kaya’t ating binabansagan ang grupo nila Abat-FVR hindi lamang mga pasista
kundi “neo”—ibig sabihin new o makabago.

Kung
sa sa unang dalawang opsyon ng paksyon ng naghaharing uri ay walang mapapala
ang uring manggagawa at ang sambayanan mas lalong walang maaasahang ganansya
dito ang api. Dudurugin lamang ng nasabing military junta (na labis din ang
pagsamba sa sistemang kapitalismo) ang anumang natitirang demokratikong espasyo
ng mamamayan kasama dito ang ating mga karapatan at mga naitayong mga kilusan
para sa pagbabago.

 
Ang Pagtatayo ng Makauri at Tunay na
Oposisyon ng Manggagawang Pilipino 

P1010030_1Kung
ang mga nasabing opsyon na nilalako ng paksyon ng naghaharing uri ay hindi
katangap tanggap batay sa interes natin bilang mga manggagawa ay ano ang dapat
gawin?

Una,
dapat tumambad sa gitna ng eksena ang liderato at makauring disposisyon ng
manggagawang Pilipino at gampanan ang papel ng isang TUNAY at MAKAURING
oposisyon laban kay GMA, sa mga inaagnas na paksyon ng burges na oposisyon at
anti-mamamayang seksyon ng militar. Hindi natin pwede isaalang alang ang
kinabukasan natin sa mga kamay ng burges na oposisyon at reaksyonaryong seksyon
ng militar na lubha rin naman ang katapatan sa kapitalistang sistema. Ngunit
hindi rin ibig sabihin ay dapat nating pagpagin ang panawagang pagpapaalis kay
GMA lalo na sa isang panahon na kung saan mayorya ng mamamayan lalong lalo na
ang uring manggagawa ay walang tiwala at kumpiyansa sa kanyang pamumuno at kakayahang
iangat ang kabuhayan at kalagayan ng aping masa.

Ang
hinihintay na lamang na sangkap upang muling bumulwak ito sa isang malawakang
aklasang bayan katulad ng EDSA 1 at 2 ay ang ispontanyong pagtindig ng
mayoryang mamamayan na sadyang maghuhukay ng libingan ng gobyernong GMA kagay
ng nangyari sa pamahalaang Erap. Kaya’t sa ganitong klaseng kondisyon ay
tungkulin at responsibilidad ng kilusang manggagawa na magbigay ng tamang
liderato at gabay sa malawak na kilusang masa upang hindi tayo mauwi sa bitag
ng paulit ulit na simpleng pagpapalit lamang ng lider at paggamit sa atin ng
mga bangkaroteng politiko bilang mga pambala sa kanyon.

Dahil
dito, kailangan natin iguhit ang isang taktital o ekasaktong panawagan sa
rehimeng GMA sa isang eksaktong kalagayan upang magbigay kaliwanagan sa
magulong pangyayari sa ating lipunan.

 
Ano Ang Mga Dapat Gawin?

Una,
dapat nating panghawakan at iguhit ang panawagang “Gloria Resign” bilang
taktikal naMay1_d panawagan ng uring manggagawa sa kasalukuyang kondisyon ng pakikibaka
hindi batay sa isyu at makitid na usapin ng jueteng, tape scandal etc kundi
batay sa kasalanan ng gobyernong ito sa hanay ng manggagawang Pilipino. Ating
ibanderang kasalanan ng gobyenong ito ang kanyang mga anti-manggagawang
patakaran at postura sa pagbubuwis, sahod, katiwalian at pamumuno.

Ngunit
ang ating panawagan ay hindi lamang nakasentro kay GMA. Kasabay ng panawagang
“Gloria Resign” ay ang panawagang pagbibitiw rin ni Noli De Castro, ng buong
kabinete at maging ng COMELEC. Ang layunin nito ay ang mga sumusunod:

 

    1.Upang hindi maikahon
     ang ating panawagan sa simpleng “Resign GMA’ lamang habang tahimik   
      sa mga
     pareho niyang kasapangkat sa ehekutibong sangay (executive branch) ng
     kanyang      
     gobyerno.

   2.Dahil dito, mainam
     nating nairerehistro ang ating pagtutol sa anumang porma ng pamumuno at
    
      transisyong gobyerno na military junta ang karakter at pundasyon.

  3.Upang malamanan
     natin ang ating panawagan ng mga konkretong pagsasapol laban sa    
  mismong  sistema ng kapitalismo. Dito pumapasok ang “anti-systemic character” ng
     ating panawagan (imbes na simpleng pagpapaalis lamang kay GMA) sa pamamagitan
     ng pagtatatag ng isang gobyernong transisyunal ng manggagawang Pilipino na
     kagyat na magpapatawag ng isang Constitutional Convetion (CONCON) upang
     magkaroon ng mga radikal na pagbabago sa istruktura ng pampulitika at
     pang-ekonomiyang gulugod ng lumang sistema at kagyat na magpatawag ng
     isang TUNAY na eleksyon ng mamamayan upang maitayo ang bago at
     demokratikong gobyerno ng manggagawang Pilipino.

Pangalawa,
kailangan paputikin ang mga independenteng pagkilos at inisyatiba ng uring
manggagawa katulong ang kanilang mga kilusan upang mairehistro ang ating
nagsasarili at independenteng interes at pakikibaka ng uring manggagawa,
manggagawang maralita at magbubukid laban sa manipulasyon at kontrol ng mga
paksyon ng naghaharing uri at mga trapo na pansamantalang kaaway ng rehimeng
Gloria.

Pangatlo,
atin dapat konkreto at epektibong maiguhit ang ating pagtutuol sa anumang
opsyon na pag-agaw ng kapagyarihan sa pamamagitan ng kudeta. Atin din dapat
irehistro ang pagtutol at hindi pagsuporta sa anumang balak na pagtatayo ng
iba’t ibang bersyon ng military junta.

Pangapat,
agaran at mahusay na magbuo ng mga alyansang teritoryal at industriyal upang
maabot ang pinakamalaking bilang ng uring manggagawa, manggagawang maralita at
magbubukid. 

Panglima,
ang pinakaimportante sa lahat ay pagsasagawa ng mga pagpupulong at koletibong
talakayan hindi lamang sa antas ng mga lider ng mga unyon, pedersayon at iba
pang alyadong samahan kundi DAPAT mga gawaing pang-edukasyon na kabagi ang
nakararaming mga miyembro upang makapagbigay linaw, direksyon at tamang
pagsusuri. Importanteng importante ito upang kakitaan ang ating kampanya ng mga
mabilis at malawak na pagtugon ng ating mga kasapian sa antas mobilisasyon at
iba pang gawain.

Pinakahuli,
dapat ibukas natin hindi lamang ang ating kamalayan kundi ang ating kakayahan
saMayo_uno pangyayaring pwedeng mauwi ang nasabing pagyanig kay GMA sa isang tuluyang
REBOLUSYON para sa pagbabago sa pangunguna ng uring manggagawa. Ngunit huwag
natin ikahon ang rebolusyon sa makitid at simpleng deskripsyon ng digmaan o
karahasan (although hindi maiiwasan ang pangdarahas mula sa hanay ng
desperadong naghaharing uri) kundi sa isang popular at malawakang aklasang
bayan na mas malaki at ‘di hamak mas malawig ang partisipasyon kaysa sa mga
nagdaang aklasang Edsa.

Kung
anuman ang aabuting konklusyon sa pakikibakang anti-GMA, 1) pag-survive ni GMA,
2) pagbagsak ni GMA kahalili ang isang transisyunal na gobyerno ng manggagawa
at mamamayan 3) ganap at sukdulang reboluyon para sa pagbabago labas sa
sistemang kapitalismo—ang importanteng mairehistro sa sa ating mga isipan ay kung
anuman ang yugtong inabot ng pakikibaka ng uring manggawa ay siyang ring yugto
ng inabot ng pagkakaisa at kakayahan ng uring manggagawa.

 

 Konklusyon

Muli
at dapat nating panghawakan ang makasaysayang papel ng uring manggagawa sa
lahat ng panigP5010046 ng mundo; Ang maging tagapamandila ng pakikibaka ng uri at
pinaka abanteng grupo na magluluwal ng tunay at ganap na pagbabago. Ngunit ang
atas na ito ay hindi isang otomatikong papel na binagsak sa uring gumagawa. Ang
katumpakan ng makasayasyan at progresibong papel na ito ay nakasalalay sa ating
kakayahan, paniniwala at dedikasyon na gampanan ang responsibilidad na ito.
Lubhang hinanap ang makauri at ispontanyong liderato ng kilusang manggagawa ng
EDSA 1 at 2 at maging ng EDSA 3 upang bigyan ito ng tamang gabay at direksyon
upang ganap na tuluyang tapusin ito bilang isang tunay na rebolusyon ng mga
api, gutom at araw-araw na pinagsasamatalahan. Ngunit sadyang wala ang uri,
walang ang abanteng manggagawang Pilipino.

Ngayon
binibigyan ulit ng isa pang pagkakataon ang uring manggagawa upang hukayin ang
kanyang sarili sa libingan ng sinisismo, demoralisasyon at pagkahati-hati.
Ating kagya’t at buong giting na panghawakan ito kasama ng lahat ng aping uri
at sektor na nagnanais ng tunay at lubos na pagbabago upang bigyan ng makauring
konklusyon ang hindi matapos-tapos na rebolusyon ng sambayanang Pilipino para
sa tunay na demokrasya, katarungan, kalayaan at pagkapantay-pantay.

Manggagawang
Pilipino, Magkaisa!
Itayo
ang Makauri, Independente at Tunay na Oposisyon ng Uring Manggagawa laban sa
Rehimeng GMA, Burges na Oposisyon at Military Junta!
GMA,
Buong Executive Branch at COMELEC RESIGN!!!

 Sagot sa Krisis ng
Pamumuno, RESIGNASYON!
Sagot sa Krisis ng
Sistema, REBOLUSYON!

 

Sashaninel june 2005

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

April 26th, 2005 by violentdispersal

Brave New World
2005
(Nevermind the summer slam. This is the REAL Underground THING!)

Date:
April 30, 2005, 4pm

Venue:
Penafrancia
Gym, Penafrancia St.cor, Quirino Ext.

Bands:
WUDS,

Phil. Violators, Deceased, Resurrected, Kronos,
Killjoy, Barrabas, End of Man, Condemned,
Archaic Argot, Throw, Hard K, Betrayed, R.D.A.,
Bad Omen, Riot, A.D.A., Pagan Fire and more…


Entrance/Ticket
: PhP40.00 / Skull

Bnw05

butterfly

April 23rd, 2005 by violentdispersal

TrbutterflyI saw you last night in my dreams. You are the same radiant and beautiful soul that profoundly roams this barren and desolate world. The same woman I held once with in the cold night of Sagada. You possess those fragile hands, those deep penetrating eyes that are subject of my many poems about you. I saw you last night in my dreams and it pains me in such sweet abandon to know that you occupy my mind even the remoteness of my seldom imaginings.

Why is it that I cannot exorcise you and your face from myself? Why is it you keep on coming back like a tired black and white film? Why is that I desire you and your presence even if I know that it will take me to the end of all life even time itself just to be granted with that wish?

And yet I am still here consumed by your memory, burning with your fragrance, sometimes from a distance often without remorse. You haunt me more than restless souls will, lurking and drilling my dismal heart as if searching for things, for eroded memories I have long ago kept deep in my fleeting soul.

I thought it was just a sudden surge of feelings in a very cold and beautiful place. Good conversation, meeting of some sorts. But I was wrong. Now I know the answers. I found in that unfathomable place a special thing, the gift of the union of hearts locked in the sweet air of our breath… even if it is ephemeral, it is true and honest love. The right love at the right place but at the wrong time you said. But what is time compared to this? Love like time when properly defined loses its meaning, its purpose and logic.

Why am I doing this? You’re taken like you always say. Did I come in late? I know you feel the same. Strongly you said but certain things hinder you from letting it soar. Free without the usual boxes, labels and excuses. Then why am I like this? Why am I feeling this?

Hope. Like what I said to you before, hope the perpetual and radical optimist. Hope, the quixotic friend of love lost and wanderers. Hope even in the certainty of failure, of defeat. You asked, what would you do if you know that you will not fail? I countered back with the question, what would I do if I know I will?

I already told you the answer. That’s why I’m doing this. Ready to suffer the consequences like how a moth seeks the burning flame of redemption. I want you. To be away from you is like taking away the air I consume to live.

One thing is for sure… I realized through countless reflections that I really want you, even love you. Love you like how saints and martyrs have shown the way. Love you as if I am running out of air to breathe, of life to live, of time to exist.

Lastly, I admire you not just because of aesthetic and physical reasons but because in you I can share thoroughly my passion, my beliefs, convictions and sadness. I truly admired your sorrow and sadness for a beautiful country ravaged and robbed by its own people. Your sometimes disillusionment to our cause because it genuinely reflects how honestly you care and love our people.

Words are never enough to capture you. But I am writing with utmost sincerity, honesty and unsullied intentions. I write this not in haste, nor to rush you at things. I write this because it must be written and it belongs to you.

sashaninel 2003

>I< revisited

April 23rd, 2005 by violentdispersal
India_street_by_brian_halpin_2I am writing this thing because i terribly miss you. Miss you in ways my heart cannot endure. i see beautyin a country full of lovely people and yet i cant helpbut think about you, write you in this great distance,search for your soul and clarity in this sea of greatseverance, want you and crave for you again and again.

Yes you are right,India is a very beautiful place.

But nothing compares to you, nothing surpasses yourrhyme. If your heart is a lovely continent, a lostcountry of beauty and grace, ill go back again maybe even settle there. Stay there not because i want totake over the affairs and beatings of your heart norto treat it like a conquest suffered by many nationscolonized.

I want to settle and dwell in your heart because i begfor the nourishment of your sweet escape, to inherentyour time even if it is temporal, and lastly humblylove you, love you and love you.  

By_brian_halpin_3My heart is like Calcutta and Mumbai. We share thesame beggars, we share the same want, needs and alms.We share the same longing and waiting. The beggars of

Calcutta and mumbai want their lives and dignity back,while me, I want your light like how moths fall in love with fireflies. I long for your you, yes you,woman of countless words.

I crave. I search and search for the captivatingredemption of your closet heart.Taking you away fromme is like taking away a very important piece of me,its like taking away a large part of me. 

I miss you very much and India greatly understands.



last night it rained.////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////

Then i remembered you. I remember you and your smalland fragile hands. So small raindrops will wither inenvy.... so fragile, music of butterflies.